• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

869 na paaralan sa bansa, ginagamit na evacuation center

SINABI ng Department of Education na nasa 869 paaralan sa bansa ang ginagamit bilang evacuation center.

 

Ito’y kasunod nang nangyaring kalamidad sa bansa dahil sa bagyong rolly.

 

Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ito ay mula sa 44 na school divisions o katumbas ng 4,367 na mga klasrums.

 

Magkagayunman, umaasa si Briones na magkakaroon talaga ang bawat local govt units ng designated evacuation center upang mailayo sa panganib ang mga mag aaral.

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aniya ang nagsabi na hindi dapat gawin bilang evacuation center ang mga eskwelahan.

 

Ang punto ng Kalihim ay hindi maaaring paghaluin ang mga evacuees mula sa mga suspected Covid – 19 positive kaya’t dapat magka- hiwalay ng lugar ang mga ito.

 

Kasunod nito, malaking tulong din aniya ang kawalan ng face to face learning upang maminimize ang pinsala ng bagyo lalo na sa mga mag aaral. (Daris Jose)

Other News
  • From Risk to Resilience: Understanding and Taking Control of Dyslipidemia

    In celebration of the Heart Month of February, healthcare company Organon Philippines is spearheading the “Heart 2 Heart Talk on Optimal Cholesterol Control,” focused on raising public awareness about effectively managing Dyslipidemia and how Filipinos can protect their heart from the long-term impacts of high cholesterol levels.       Renowned lipid experts Dr. Pipin […]

  • Kamara walang planong buwagin ang Senado

    TINIYAK  ng mga lider ng Kamara na wala silang plano upang buwagin ang senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.     Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. […]

  • Pagkakaantala sa pagpapatupad ng stay safe , bunga ng burukrasya -Sec. Roque

    KUMBINSIDO si Presidential Spokesperson Harry Roque na napigilan sana ang pagsirit sa kaso ng COVID 19 kung walang nangyaring pagkaantala sa pagpapatupad ng stay safe.   Ani Sec. Roque, malaking ambag sana ang implementasyon ng Stay safe para sa epektibong contact tracing.   Ang paggamit aniya sana ng teknolohiya o ang tinatawag na digital contact […]