882,861 katao naapektuhan ni Carina, habagat – NDRRMC
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa 183,464 pamilya o kabuuang 882,861 katao ang apektado ng pinagsamang southwest monsoon o habagat, bagyong Carina at dating tropical depression Butchoy.
Ayon sa report nitong Miyerkules ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 686 Barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Western and Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera region.
Sa tala ng NDRRMC, nasa 8 pa lamang ang bilang ng nasawi, pito rito ay kumpirmado na kinabibilangan ng apat mula sa Zamboanga Peninsulat at tig-isa naman sa Davao Region, Northern Mindanao at BARMM.
Patuloy na beneberipika ang isang nasawi sa BARMM habang dalawa ang nasugatan at isa ang nawawala sa Northern Mindanao.
Nasa 245 naman ang mga nasirang kabahayan mula sa MIMAROPA, Central Visayas, Zamboanga Peninsula,Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, CARAGA, BARMM at Cordillera.
Sa mga apektadong pamilya nasa 8,230 pamilya o katumbas na 35,388 katao ang kinakanlong sa 90 evacuation centers habang 115,668 pamilya o 576,936 indibidwal ang nasa labas ng mga evacuation sites. (Daris Jose)
-
Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG). Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, […]
-
Tulong medikal ng CDA pinuri ni Bong Go
DUMALO si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Cooperative Development Authority-Philippine Charity Sweepstakes Office Partnership Program on Medical Assistance for Cooperatives (PMAC) sa CDA Main Office sa Quezon City. Bilang bahagi ng inisyatiba, ang mga miyembro ng micro at small cooperative na may mga isyu sa kalusugan ay makatatanggap ng tulong pinansyal […]
-
Crime rate sa NCR, bahagyang tumaas kasunod ng alert level 1 implementation
BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR). Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region police office (NCRPO) na bahagyang tumaas ang crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NCRPO PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa […]