9 arestado sa droga sa Navotas
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City.
Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa harap ng Boss Ben, Market 1 Gate sa Bulungan St. NFPC, Brgy. NBBN nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo dahil walang suot na helmet.
Hinanapan ng mga pulis ang driver na kinilalang si Francis Valiente, 27, messenger ng St. James, Sisa Exit, Tinajeros, Malabon city ng driver license at kaukulang papeles at nang buksan ang compartment ng motorsiklo nakita nila na tinakpan ng back rider na si Jhon Mark Durana, 23 ang isang stainless swiss knife.
Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng bulsa nila at itaas ang damit ay nakita sa kanilang baywang ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspek.
Nuna rito, dakong 3:30 ng hapon nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Maritime Police na nagsasagawa ng foot patrol si Joseph Mendoza, 36, Eduardo Bataanon, 49, Pepito Liwanag, 56, Sonny Umpad, 31, Alejandro Dayao, 48, pawang mangingisda, Cristy Rivera, 41, at Janeth Batiancila, 42, na sumisinghot umano ng shabu sa isang abandonadong fishing vessel sa Pier 5 NFPC Brgy. NBBN dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Ani PSMS Nemesio “Bong” Garo, nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,600 ang halaga at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)
-
PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo
TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang “sinungaling” nang hanapin siya nito pagkatapos manalasa ang bagyong Ulysses. Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo na dumalo siya sa ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad. Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si […]
-
Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis
BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi. Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title […]
-
Valenzuela pangalawa sa NCR Top Performing LGUs sa Local Revenue Generation
MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC). Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — […]