9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE
- Published on October 26, 2023
- by @peoplesbalita
TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, Pilar St., Brgy 199, Tondo na namatay dakong alas-4:00 ng madaling araw noong August 21 habang ginagamot sa Tondo Medical Center.
Sa ulat ni Police Staff Sergeant Boy Niño Baladjay, dakong alas-5:10 ng umaga noong October 20, 2023 nang naganap ang insidente kung saan nag-inuman ang biktima at ilang kaibigan nito sa loob ng Baluarte Bar and Restaurant sa 631 Northbay Blvd., Tondo, Manila at papauwi na sana sila nang ilang grupo ng kalalakihan ay walang sabi-sabing pinukpok ang biktima gamit ang isang hollow blocks na nagresulta sa sugat sa ulo.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot.
Ang insidente ay hindi kaagad na inimbestigahan ng pulisya makaraang humiling ang pamilya at mga saksi nito na ipagluksa muna ang labi ng kanilang anak at nitong Martes, dakong alas-1:30 kahapon ng tanghali ay personal na nagtungo ang pamilya nito sa pulisya para imbestigahan ang nasabing insidente. GENE ADSUARA
-
Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino
INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]
-
Mga atleta na nagwagi sa Tokyo Olympics nakuha na ang mga cash incentives
PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino na lumahok sa 2020 Tokyo Olympic Games. Binati ng Pangulo sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial para sa pagdadala ng karangalan sa bansa at iangat ang diwa ng mga Filipino sa gitna ng coronavirus pandemic. “Your hard work, dedication […]
-
DMW chief, hindi makahahawak ng natitirang pondo ng POEA – DBM
PINAALALAHANAN ng Department of Budget Management (DBM) si Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Abdullah Mama-o na huwag galawin at gastusin ang natitirang pondo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa fiscal year (FY) 2022. Giit ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda, walang awtoridad o kapangyarihan ang DMW na gamitin ang […]