9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, nasa Camp Crame na
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Inilipat na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.
Saad ni Banac, personal na hinatid ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General Manuel Abu ang siyam na pulis sa Camp Crame.
Lulan aniya ang mga ito ng Cebu Pacific flight.
Maaalalang noong June 29, nasawi ang apat na sundalo sa pamamaril ng mga pulis.
Kasalukuyan naman itong iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation.
-
2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaking wanted sa kasong murder matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, […]
-
Ads July 11, 2022
-
Senate probe sa phaseout ng traditional jeepneys, gumulong na
TATALAKAYIN sa Senado ang resolusyon tungkol sa pagpapaliban sa nakatakdang phaseout ng traditional jeepneys sa Hunyo 30. Itinakda ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig dakong ala-1:30 ng hapon. Bukod sa jeepney phaseout at PUV modernization program ay layon din ng pagdinig na pigilan […]