• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

911 Emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS– Ilulunsad na ng Bulacan ang 911 emergency hotline upang palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na umaalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna na gaganapin sa Oktubre 28, 2021 sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.

 

 

Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali at mga natural na sakuna gaya ng baha, bagyo at lindol na nangangailangan ng agarang responde.

 

 

Nakasaad sa Executive Order No. 56, T’2018 na itinatalaga ang 911 bilang pambansang hotline na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna at inaatasan din ang lahat ng pamahalaang lokal na magkaroon ng lokal na 911 call center kung saan libre ang pagtawag, sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal at Philippine Long Distance Telephone Company.

 

 

“This will not defeat the purpose of the Bulacan 566, pwede pa rin pong tawagan ang numerong ito para sa pagresponde sa mga emergency 27/7. Ito pong ilulunsad natin na 911 hotline ay makakatulong ng 566 sa pagpapanatili ng pampublikong kaayusan at seguridad at pagpigil sa kriminalidad.  Ngayon po sa pag-dial ng 911, kahit walang load, walang problema, mas pinabilis din po and waiting time dahil sa Go Live,” ani Fernando.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng Go Live 911 gamit ang software na Touchpoint, direktang maitatawag sa mga pinakamalapit na reresponde ang emergency upang higit na masuri ang sitwasyon at mapabilis ang pagresponde.

 

 

Ayon sa PDRRMO, nakapagsagawa na sila ng PLDT 911 Seminar-Orientation noong Nobyembre 8, 2019; sertipikado na rin ang lahat ng empleyado ng C4 bilang Emergency Communicator noong Disyembre 23, 2019; nakapagsagawa ng Emergency Telecommunicator Certification Training noong  Enero 13 hanggang 17, 2020; nag-inspeksyon na din ang Emergency 911 national office ng DILG sa Pamahalaang Panlalawigan para sa aplikasyon nito sa lokal na paggamit ng 911 hotline noong Hunyo 21, 2021 at ito ay naaprubahan.

 

 

Nitong Oktubre 12-15, sumailalim na rin ang mga empleyado ng Bulacan Rescue sa pagsasanay sa Call Handling at Emergency Dispatch para sa  Bulacan 911 Operation.

 

 

“Handa na po ang ating Bulacan Rescue upang magserbisyo sa ating mga mamamayan. HInihiling lang po natin sa ating mga kababayan na gamitin ang hotline 911 sa mga lehitimong emergency, ‘wag po nating gamitin sa panloloko kasi pwedeng sa oras ng pagtawag ng manloloko ay meron talagang may emergency na hindi makapasok,” paliwanag ni Fernando.

 

 

Sasailalim ang  Bulacan 911 emergency sa Bulacan Rescue – Communications, Command and Control Center (C4) ng PDRRMO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO

    BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan […]

  • Magbigay ng ₱3,000 extra pay sa mga gurong apektado ng VCM issues

    HINIKAYAT ng Department of Education ang Commission on Elections na bayaran ang mga teaching at non-teaching personnel na nagbigay ng kanilang extra work nito lamang katatapos na halalan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na nakipag-ugnayan na sila sa Comelec sa bagay na ito at ipinanukala ang karagdagang bayad na ₱3,000. […]

  • Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan

    Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.   Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]