• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang

INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno.

 

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.

 

Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso.

 

“Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February, talagang magdi-deliver sila ng 50,000 at pagdating po ng Marso magdi-deliver sila ng 950,” anito

 

Maliban aniya ito sa 600,000 na Sinovac na donated ng pamahalaang China na ginagamit na sa kasalukuyan sa mga health workers.

 

Sinabi nito, mamaya ay paparating naman ang 4787, 200 doses ng mga bakuna na Astrazeneca galing ng COVAX Facility habang pagdating ng Abril ay dito na sisipa ang pagbuhos ng bakuna na nabili ng gobyerno.

 

” Opo, iyong COVAX Facility ay inaasahan po natin na mayroon pa tayong 500,000 plus so sigurado po iyan darating ng Marso. So sa tingin ko po hindi na maaantala ito at pagdating po ng Abril eh diyan naman po sisipa iyong marami rin nating nabili rin ‘no. At kaya nga po kampante po ang gobyerno na tuluy-tuloy na po ito at sa lalong mabilis na panahon sana matapos po natin ang mga health workers, 3.4 million po iyan. Pagkatapos po sana ay mayroon na tayong makuha para sa mga seniors dahil iyon na po ang ating susunod na target ng ating vaccination,” lahad nito.

Other News
  • Ginanap sa Berkshire, England, United Kingdom: LOVI, kinasal na sa long-time boyfriend na si MONTY

    KINASAL na si Lovi Poe sa kanyang long-time British boyfriend na si Montgomery “Monty” Blencowe noong August 26 sa Berkshire, England, United Kingdom.       Isang romantic garden ang setting ng wedding nila Lovi at Monty na ginawa sa Cliveden House, isang storied landmark built in 1666 by the second Duke of Buckingham.   […]

  • FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY

    HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3  ayon sa  New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec).     Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol […]

  • Biyaheng SoKor, pwede na ulit

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga Filipino na bumiyahe patungong South Korea maliban sa buong North Gyeongsang Province, kabilang na ang Daegu City at Cheongdo County, kung saan ang virus outbreak ay concentrated.   Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ito […]