DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.
Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.
“Totoo ‘yun kasi sa March 16, one year na tayo exactly. Kasi March 16 tayo last year nag-declare ng lockdown sa Luzon. Kumbaga exhausted na rin ang mga tao pati na rin ‘yung ating mga law enforcers,” wika niya.
Kamakailan lamang ay nagpasya na ang pamahalaan na paluwagin o tuluyang alisin ang ilang health protocols at requirements upang unti-unti nang maibangon ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.
Hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require sila ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe. Tanging RT-PCR test lamang din ang pinapayagan.
-
P6.8M halaga ng shabu nasamsam ng NPD
UMAABOT sa 6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Northern Police District (NPD) sa isang umano’y big-time drug pusher na kanilang naaresto sa isinagawang follow-up buy-bust opera- tion sa Taguig City. Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, […]
-
Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation
Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila. Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge […]
-
Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente
Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf. Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito. Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak. Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16. Bagamat hind ito katulad ng […]