P6.8M halaga ng shabu nasamsam ng NPD
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa 6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Northern Police District (NPD) sa isang umano’y big-time drug pusher na kanilang naaresto sa isinagawang follow-up buy-bust opera- tion sa Taguig City.
Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig city.
Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 1 kilo ng shabu na may standard drug price P6,800,000,00, 1 pc tunay na P1,000 na nakabugkos sa 149 pcs P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, cellphone at isang motorsiklo.
Ayon kay Gen. Ylagan, ala-1 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I at P/ Capt. Ramon Aquiatan Jr. ang buy-bust operation kontra sa suspek sa harap ng No. 178, M. L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig, City sa koordinasyon sa PDEA at kay P/ Col. Celso Rodriguez, hepe ng Taguig City Police.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P150,000 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseurbuyer.
Ani PLTCOL Caliao, ang naturang operasyon ay nagmula sa mga nauna nilang drug operation noong September 2 at 10, 2020 sa Caloocan city na nagresulta sa pagkakaaresto sa walong drug personalities, kabilang ang leader at mga miyembro ng Onie Drug Group na nag-ooperate sa CAMANAVA area kung saan umabot sa 400 gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska. (Richard Mesa)
-
PDU30, inakusahan ang Senado na sangkot sa ‘fishing expedition’
MULING binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador lalo na si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil sa halatadong pag-witch hunt para makakuha ng ganansiya sa politika. Sa mga bagong bira ng Pangulo laban kay Gordon, inulit ng Chief Executive ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang kanyang […]
-
Costa Rica, ginulat ang Japan matapos talunin sa nagpapatuloy na FIFA World Cup, 1-0
Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0. Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16. Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller. Bigo naman […]
-
Kamara sisilipin senior, PWD discounts ng Grab
NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies. Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng […]