• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon.

 

Ayon sa Pangulo, ka-tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu.

 

“I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters given, no quarters asked. Kagaya rin sa droga, walang pabor-pabor dito. No question that I am really mad. Galit ako sa droga,” ani Duterte.

 

Bagaman at hindi nagbigay ng detalye, sinabi ng Pangulo na magla-lagay siya ng bagong “structure” para matiyak ang integridad ng mga proyekto.

 

“Iyang sa mga project sa baba, iyon ang laro diyan. So we might maybe place another structure there – structure to improve the integrity of the projects and pwede ninyong ma-report maski ano basta corruption and walang patawad,” ani Duterte.

 

Ginawa ni Duterte ang pahayag ilang araw matapos niyang sabihin na malala ang korapsiyong nangyayari sa De- partment of Public Works and Highways (DPWH).

 

Ilang senador din ang nagsabi na ang pondo ng DPWH para sa 2021 ay mayroong bilyun-bilyong pisong lump sum appropriations.

 

Muling binanggit ni Duterte na ang karamihan sa mga project engineers sa baba ang sangkot sa korapsiyon.

 

Nilinis naman nito si DPWH Secretary Mark Villar na hindi na umano kailangang mangurakot dahil mayaman na.

 

“Karamihan diyan sa DPWH mga project engineers. Diyan ang — sa baba ang tala… Si Villar, mayaman. Secretary Villar, maraming pera ‘yan. Hindi niya kailangan ma-ngurakot. Ang problema sa baba, malakas pa rin hanggang ngayon,” ani Duterte.

 

Hinikayat din ni Duterte ang mga mamamayan na tumawag at isumbong ang nalalamang korapsyon o droga sa 8888. (Daris Jose)

Other News
  • Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na

    MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.       Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente […]

  • ‘Shazam 3’ Could Happen After ‘Shazam! Fury of the Gods’ Sets Up Its Potential Story and Characters

    HERE is everything known about Shazam 3’s status, release date, story, cast, and more updates.     The Shazam franchise continued in 2023 with the release of Shazam! Fury of the Gods in March. Directed by David F. Sandberg and written by Henry Gayden and Chris Morgan, the second entry in the franchise stars Zachary […]

  • Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC

    BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.   ““During my tenure as chairman of PSC, […]