• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH

Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare wor­kers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.

 

 

Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.

 

 

“When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa ER (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Sa kanilang pag-iikot, marami sa mga ospital ay nasa 50 porsyento pa ang avai­lable na COVID-beds para sa mga bagong pasyente.

 

 

Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pa umanong ebidensya na ang mga new variants ang dahilan ng pagsirit sa mga bagong kaso ng COVID-19. Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • Hindi pinakanta sa videoke, napraning, kelot nanaga ng kapitbahay sa Malabon

    ISINELDA ang 45-anyos na karpintero matapos tangkain tagain sa ulo ang kanyang kapitbahay makaraang magalit nang hindi pinagbigyan na kantahin sa videoke ang paborito niyang kanta sa Malabon City.     Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, kasama ng biktimang si alyas “Michael”, 42,  ang kanyang mga kaanak na nag-iinuman […]

  • PFIZER VACCINE, DINAGSA NG MGA NAIS MAGPABAKUNA SA MAYNILA

    DINAGSA ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 vaccine gamit ang Pfizer ang Manila Prince Hotel sa Ermita noong Lunes.     Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila na kinabibilangan ng kategoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.     Ayon kay Manila […]