• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw.

 

 

Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro at mga pinuno ng tanggapan sa Kapitolyo kung saan unang binakunahan ng Sinovac’s Coronavac Vaccine ni Development Management Officer V Dr. Emily Paulino ng Department of Health – Bulacan sina Response and Vaccine Cluster Head ng Provincial Task Force at Chief of Hospital Dr. Hjordis Marushka Celis, Hospital Training Officer Dr. Jose Emiliano Gatchalian at Nurse Supervisor Alma Villena ng Bulacan Medical Center ayon sa pagkakasunud-sunod.

 

 

Layon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabakunahan ang may 300 indibidwal kada araw na bahagi ng 833 health workers, frontliners at mga empleyado mula mga district hospital at PHO-PH na kabilang sa mga prayoridad na mabigyan ng unang dose ng bakuna.

 

 

Sinigurado din Fernando, Paulino at Celis na may Emergency Use Authority (EUA) na aprubado ng Food and Drug Administration ang mga bakunang gagamitin.

 

 

“Ang pagbabakuna po ay para sa ating lahat. Ito ay hindi lamang para sa iyo at sa iyong pamilya. Para rin po ito sa inyong mga barangay, lungsod, at probinsiya. Ito po ay unang hakbang upang muli po tayong makabangon,” anang gobernador.

 

 

Aniya,” the faster we vaccinate Filipinos at the soonest possible time, the better for Filipinos. Mahalaga po na mas marami po tayong mabakunahan sa lalong madaling panahon upang mas mabilis rin po nating mabuksang muli ang ekonomiya. Kapag bukas ang ekonomiya, mas marami ang makapagtrabaho at mas mababawasan ang nagugutom.”

 

 

Nagpasalamat naman si Dr. Jerica Miah Borgonia, isa sa mga nabakunahan mula sa BMC, dahil sa kaayusan at proseso ng pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

 

“Maayos po ang naging proseso ng pagbabakuna. Sa akin naman po ay walang problema kahit anong bakuna ang available, ang mahalaga ay mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Sa kanyang panapos na mensahe, sinabi ng punong lalawigan na pinakamabisa sa lahat ang paghingi sa Panginoon ng gabay laban sa nararanasang pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mas maraming in-housing units, itatayo sa Navotas

    MALUGOD na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na patapos na ang NavoHomes 2 Kaunlaran na paglilipatan ng 120 pamilyang Navoteño na nakatira sa tabing dagat o danger zoon.     Sinabi rin ni Mayor Tiangco na natambakan na ang limang ektaryang site ng NavotaAs Homes 3 sa Tanza at ito ay natambakan ng […]

  • Bansang Vietnam, mahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa rice imports at para masiguro ang food security – PBBM

    NANGAKO  ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lider ng Vietnam na sinasabi niyang mahalang partner para masiguro ang food security sa bansa.     Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnamese Prime Minister na si Pham Minh Chinh sa sidelines ng 40th at 41st […]

  • DATING MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, NAG-HOLDAP SA PAWNSHOP, ARESTADO

    PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) nang inaresto matapos nangholdap sa isang pawnshop sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Miyerkules ng hapon.     Sa bahay ng isa sa kanyang mga kamag-anak nasundan ang suspek na si  Michael Comutohan y Padilla, 47, dating miyembro ng PA at […]