• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Mayor Aquino

KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.

 

Ang pangamba ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay simula na ito ng political violence bunsod ng papalapit na 2022 elections.

 

“Kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan. Nanunumbalik po kami at naalarma na dahil isang mayor po ang pinatay baka ito’y simula na naman ng patayan dahil sa pulitika sa panahon na papalapit na ang eleksyon,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang demokrasya po, tao po ang humahalal at ang ating panawagan, hayaan po nating maghalal ang taumbayan sa pamamagitan ng pagpili ng sa tingin nila ang pinakaepektibong mga mamumuno. At saka itong political violence po has no place in a democracy. Kinukondena po natin iyan,” dagdag na pahayag ni Sec Roque.

 

Sa ulat, napatay sa pakikipagbarilan di umano sa mga pulis ang alkalde ng Calbayog City, Samar na si Aquino.

 

Sinabing bukod sa alkalde, nasawi rin ang kanyang driver at security escort.

 

Isa pang pulis ang nasawi, at isa naman ang nasugatan.

 

Sa imbestigasyon, sakay ng van ang alkalde at mga kasama at inakala nilang sinusundan sila ng isa pang sasakyan.

 

Pinaputukan umano ng grupo ng alkalde ang mga sakay ng nakasunod na sasakyan na mga pulis pala.

 

Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng alkalde at tatlong iba pa.

 

Sa Facebook post ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento, sinabi nito nangyari ang insidente sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.

 

Natadtad umano ng bala ang van ni Aquino.

 

Sa ulat, sinabing iniutos ni PNP chief Police General Debold Sinas sa regional police office ng Eastern Visayas na imbestigahan ang insidente. (Daris Jose)

Other News
  • Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

    MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.   Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.   Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]

  • Japanese tennis player Naomi Osaka bumagsak ang ranking

    Bumagsak na ang world ranking ni Japanese tennis star Naomi Osaka.     Ito ang unang pagkakataon na hindi nakasama si Osaka sa top 10 mula noong magwagi ng 2018 US Open title.     Ang dating world number 1 hindi na nakapaglaro mula ng matanggal sa ikatlong round ng US Open noong nakaraang buwan. […]

  • DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it […]