PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay .
Kasunod ito sa ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay na patuloy ang paglobo ng COVID-19.
Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay Francisco para sa security plan.
Inatasan din ng alkalde na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing tagasita o COVID-19 Marshals at magsasaway ng mga pasayaw sa kalsada.
Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.
Dagdag pa ni Domagoso sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)
-
PDU30: detensyon o pagpiit sa resource person sa Senate probe, isang pang-aabuso
IKINUNSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “oppression” ang detensyon o pagpipiit ng resource persons na tumangging sabihin ang nais ng mga senador na nais nilang marinig sa pagdinig sa Senate blue ribbon committee hinggil sa di umano’y overpriced ng pandemic supplies. Sa Talk to the Peole, araw ng Miyerkules, hinamon ni Pangulong Duterte […]
-
Goodbye sa mga kotse, relo at iba pang luho: ROCCO, thankful sa mga payo ng kapwa-Kapuso daddy
THANKFUL si Rocco Nacino dahil sa mga natatanggap niyang mga payo sa pagiging isang ama mula sa kapwa niya mga daddy tulad nila Dennis Trillo, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales, Mark Herras, Joross Gamboa at Dingdong Dantes. Ayon kay Rocco ay puwede na raw sila magtayo ng ‘Daddy’s Club’ dahil tuwing nag-uusap daw […]
-
Rafael Nadal masayang inanunsiyo na magiging ama na sa unang pagkakataon
MASAYANG ibinahagi ni Spanish tennis star Rafael Nadal na ito ay magiging isan ama na. Ito ay dahil sa buntis sa unang pagkakataon ang asawang si Mery Perello. Ang nasabing pahayag ng 36-anyos na tennis champion ay bilang pagkumpirma sa naging usapin ng ilang linggo matapos na makita ang asawa na […]