Pagtatalaga ni PDu30 sa mga dating military officials sa cabinet posts, walang masama-Sec. Roque
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts.
Kung tutuusin ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay naipapakita ng mga ex-military officials ang kanilang disiplina sa gabinete.
“Wala namang masama roon. Tignan mo naman si General Galvez, iyong discipline niya as a military official, nagagamit nita sa procurement ng COVID-19 vaccines. I don’t think he (President Duterte) made a mistake,” ayon kay Sec. Roque.
Tinukoy ni Sec. Roque si vaccine czar Carlito Galvez Jr., dating military chief na itinalaga bilang vaccine czar ni Pangulong Duterte.
Bukod dito, ang mga dating military officials ay maaasahan.
“I see how they work, at iba iyong disiplina and diligence hanggang magawa nila ang order ni Presidente, and that matters in public administration,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Itinanggi naman nito na sa pagkuha ng mga dating military officials ay nako-kompromiso ang kalidad ng pagse-serbisyo at naiiwan sa ahensiya sa ilalim ng liderato ng taong walang kasanayan.
“Hindi po. In a matter of expertise, doktor ang Secretary of Health, ekonomista ang nasa NEDA, malawak ang karanasan sa private sector ng DTI Secretary, at hindi sundalo ang DFA Secretary,” ang pahayag ni Sec. Roque.
“But when it comes to efficiency in government, tiwala siya sa mga dating militar in implementing his orders,” dagag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, maliban kay Galvez, ang iba pang retired military officials na naglilingkod at kabailang sa gabinete ng Pangulo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Environment Secretary Roy Cimatu, Housing Secretary Eduardo del Rosario, Director General Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority, Customs Bureau chief Rey Guerrero at Secretary Rolando Bautista ng Department of Social Welfare and Development. (Daris Jose)
-
NBI, ipatatawag si VP Sara kaugnay sa ‘banta’ kay PBBM
NAKATAKDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga […]
-
Tapos na ang suspensyon ngunit hindi maglalaro si Kyrie Irving para sa Nets vs Lakers
Hindi maglalaro si Brooklyn guard Kyrie Irving sa Linggo (Lunes, oras sa Maynila) laban sa Los Angeles Lakers, ang unang laro na karapat-dapat niyang ibalik matapos siyang masuspinde ng Nets dahil sa pagtanggi niyang sabihing wala siyang antisemitic na paniniwala. Sinabi ni Coach Jacque Vaughn noong Sabado (Linggo, oras sa manila) na hindi maglalaro […]
-
Panunutok ng laser light, itinanggi ng China
KINASTIGO ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng PCG, na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6. Sinabi ni PCG adviser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na hindi katanggap-tanggap […]