• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, mas gugustuhin pa na magpatupad ng localized o granular lockdowns

MAS gugustuhin pa ng pamahalaan na magpatupad ng localized o granular lockdowns kaysa ibalik ang buong bansa sa strict lockdown sa gitna ng pagtaas ng coronavirus cases.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdown sa isang specific o tiyak na lugar kung saan may naiulat na pagtaas ng COVID-19 transmission.

 

“Hindi po. Ang ating istratehiya pa rin ay localized lockdown,” ang tugon ni Sec. Roque sa tanong kung advisable ba na magpatupad ng city-wide o barangay-level lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

Kamakailan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang LGUs na ilagay ang mga maliliit na lugar gaya ng gusali, kalsada o maging ang barangay sa ilalim ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng transmission.

 

Layon ng granular lockdown na balansehin ang pangangailangan na protektahan ang public health mula sa pagkalat ng virus na hindi mapipinsala ang malaking bahagi ng ekonomiya.

 

Maliban sa granular lockdowns, sinabi ni Sec. Roque na ang local government units ay kailangan na paigtingin ang prevent-detect-isolate-treat-recovery strategy para mapigilan ang outbreak sa kanilang komunidad.

 

“Bagama’t ang obligasyon talaga ng ating mga lokal na pamahalaan ay paigtingin iyong kanilang isolation, detection at siguraduhin lalung-lalo na iyong mga positibo ay mailipat sa mga quarantine facilities at maiwasan po ang home quarantine ,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, inakusahan ang Senado na sangkot sa ‘fishing expedition’

    MULING binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador lalo na si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil sa halatadong pag-witch hunt para makakuha ng ganansiya sa politika.   Sa mga bagong bira ng Pangulo laban kay Gordon, inulit ng Chief Executive ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang kanyang […]

  • Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH

    PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus.   Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni […]

  • Kahit may petisyon na mag-resign na sa MTRCB: Chair LALA, cool lang sa isyu at suportado ng 31 board members

    AYON sa aming reliable source, suportado ng 31 board members ng MTRCB (Movie, Television, Review & Classification Board) ang Chairwoman ng MTRCB na si Lala Sotto.     Hindi maitatanggi na siya ang sentro ng galit at sumpa pa mga netizens, partikular na ang mga Kapamilya at avid viewers ng ‘It’s Showtime.’     Ang […]