• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.

 

 

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang huli at isang batang lalaki.

 

 

Nang makita ng biktima, tinangka nitong umawat subalit humablot ang galit na suspek ng isang bote ng beer saka binasag at iwinasiwas sa biktima na naging dahilan upang magtamo ito ng malalim na sugat sa kanang hita.

 

 

Isinugod ang biktima sa San Lorenzo Ruiz Womens Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela General Hospital kung saan ito patuloy na ginagamot habang nadakip naman ang suspek.

 

 

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Ronald Gutierrez, residente sa naturang lugar matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan malapit sa lugar kung saan naganap ang kaguluhan na kinasangkutan ng mga menor-de-edad.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Samantala, dakong 11 ng gabi, nakaupo sa kanyang pedicab habang naghihintay ng pasahero sa harap ng Master Garden, Brgy. San Agustin ang 36-anyos na pedicab driver na si Elmer Delos Angeles nang komprontahin at sapakin saka saksakin sa leeg ng kapwa pedicab driver na si Joey Lacson, 32.

 

 

Matapos nito, tumakas ang suspek subalit sumuko naman kalaunan sa Brgy. San Agustin habang isinugod naman ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan. (Richard Mesa)

Other News
  • GINANG PATAY SA TREN

    NASAWI ang isang ginang nang mahagip at makaladkad nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways  (PNR)  sa Paco, Maynila Huwebes ng gabi.     Kinilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55, nakatira sa  1780 Mulawin Alley Peralta Street, Sta Mesa Maynila .     Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement […]

  • CARLA, magiging aligaga na sa paghahanda sa kasal nila ni TOM sa October

    MUKHANG aligaga na si Kapuso actress Carla Abellana dahil hindi na magtatagal at ikakasal na sila ng fiancé niyang si Kapuso actor Tom Rodriguez.     Pero heto at naka-lock in taping pa siya sa bago niyang teleserye na To Have And To Hold, with Max Collins and Rocco Nacino.      Updated nga ni […]

  • Arocha nasasabik sa Lady Chiefs

    NANANABIK ang incoming Philippine SuperLiga (PSL) rookie na si Regina Arocha ng Sta. Lucia Lady Realtors sa kanyang alma mater na Arellano University at sa women’s volleyball team nitong Lady Chiefs.   Pero sanhi ng coronavirus dis- ease 2019 (Covid-19) at pagkakansela ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 nitong Marso, hindi natapos […]