PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.
Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.
Sa unang tatlong swab test ni Sinas nuong March 3, March 6 at March 9 ay negatibo ang resulta.
Pero swab test niya nitong March 11 ay nagpositibo na siya sa virus.
Pero sinabi ni Sinas siya ay asymptomatic, posibleng na infect siya ng virus sa loob ng 24-48 hours.
Sasailalim sa quarantine ngayong gabi si Sinas at duon siya didiretcho sa Kiangan Treatment Facilities sa loob ng Camp Crame.
Inanunsiyo din ni Sinas na si The deputy chief for Administration Lt Gen. Guillermo Eleazar ang magiging OIC Chief PNP habang siya ay naka quarantine.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP Spoksperson BGen. Ildibrandi Usana maayos ang kalagayan ni PNP chief ngayon.
” He is Ok po. No cause for worry po. Prayers na lang po muna para kay Chief,” mensahe ni Usana.
-
Balik-TNT ni Erram, nabitin
NASA balag pa ng alanganin ang balik ni John Paul ‘Poy’ Erram sa Talk ‘N Text para sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020. Hanggang kahapon (Miyerkoles), sinusukat pang mabuti ng PBA ang trade proposal na magbabalik kay Erram sa KaTropa buhat sa North Luzon Expressway via Blackwater. Wala pang lagda si […]
-
2 tulak, nadakma sa Valenzuela drug bust, higit P.2M droga nasamsam
TIMBOG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban […]
-
Ayo malabo sa Letran
KINONTRA kaagad ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach coach Bonnie Tan ang mga naglalabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa gitnaan ng kontrobersiya sa University of Santo Tomas. “May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” bulalas ni […]