• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon

Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.

 

 

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

 

  • lahat ng kaso: 607,048
  • nagpapagaling pa: 47,769, o 7.9% ng total infections
  • bagong recovery: 406, dahilan para maging 546,671 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 63, na siyang nag-aakyat sa local death toll sa 12,508

Anong bago ngayong araw?

 

  • Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong hawa (3,749) ng COVID-19 na iniulat sa iisang araw lang sa nakaraang 174 araw. Huling beses na mas mataas ang daily infection diyan noong ika-19 ng Setyembre, 2020 kung saan nakapagtala ng 3,962.
  • Dumepensa naman ang Malacañang sa pagiging numero uno ng Pilipinas pagdating sa COVID-19 deaths at bagong infections sa Western Pacific Region, lalo na’t sinabi ng pamahalaan na naging “mahusay” ito sa pag-aasikaso ng pandemya. Aniya, sadyang lumalala lang ito minsan kapag nagpapasaway ang mga tao: “‘Yung nangyayari sa past four days should not erase what we have done since the outbreak of the pandemic… Ganyan po talaga talaga ang anyo ng COVID-19 pag kaonti lang tayo ng pabaya ng minimum health standards.”
  • Dagdag pa ni Roque, pinag-iisipan ng IATF-EID ang ilan sa mga rekomendasyon ng OCTA Research Group na ibaba sa 30% ang capacity ng mass gatherings sa GCQ areas, pagpapaliit ng kapasidad sa mga restawran at mall dahil sa muling pagsipa ng mga kaso — pati na liquor ban. Aniya, posibleng may mga maaprubahan dito. Sa kabila nito, patuloy naman daw sa trabaho ang DOH, DOST at economic planners para apulahin ang sitwasyon.
  • Nakikiusap ngayon ang League of Provinces (LPP) kanina payagan ang COVID-19 testing ng mga biyahero sa “point of entry” ng mga probinsya — lalo na’t delikado raw ang pre-travel testing. Una nang sinabi ng IATF Resolution 101 na hindi na kailangan ng testing ng travelers maliban kung ire-require ng local government units bago bumiyahe.
  • Kanina lang nang sabihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 15,874 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na tinatamaan ng COVID-19 mula sa 87 dagat. Sa bilang na ‘yan, binawian na ng buhay ang 1,041.
  • Umaabot na sa 117.33 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na ‘yan, 2.6 milyon na ang patay.
Other News
  • Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez

    IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.   Aniya, una nang […]

  • Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

    Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.     Sinabi ni Go na kapag […]

  • Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96

    BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.       Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August.     Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]