‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator.
Pero sinabi ni Garcia, posibleng mangyari raw ang boxing match sa buwan ng Mayo.
Paglalahad pa ng 33-year-old boxer, matagal na raw niluluto ang laban ngunit mas luminaw lamang ang mga detalye noong nakalipas na taon.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na malaki umano ang tsansa na si Garcia ang makakatunggali nito sa kanyang comeback fight.
Pero inilahad ni Pacquiao na posible pa itong magbago lalo pa’t hindi pa rin daw tapos ang diskusyon naman sa kampo ni pound-for-pound king Terence Crawford.
-
DEDMA SA SRP, KULONG
KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod. Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa […]
-
Pinas, mananatili sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Miyerkules, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022. Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang […]
-
52 opisyal ng PNP-CSG sinibak dahil sa malpractice
NAGSAGAWA ng balasahan ang Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) at inalis sa puwesto ang 52 nilang opisyal dahil umano sa “malpractice.” Ayon kay CSG Director Police Major General Roberto Fajardo, kabilang sa kanyang sinibak ang 30 police commissioned officer na may pinakamataas na ranggong police colonel, 17 non-commissioned officer at 5 non-uniformed personnel. […]