Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong.
Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan para sa No. 1 selection ng second round o 13th overall choice si Brian Enriquez.
Nakakampanya para sa Far Eastern University Tamaraws ang Fil-Norwegian na si Holmqvist, pandagdag na size ng Gin Kings sa gitna pamalit sa bagong dating na si Christian Standhardinger. May disenteng perimeter shooting ang 25-anyos na sentro.
Pero ayaw pa niyang malaki ang asahan kaagad sa kanya ng alak. Mas gusto niyang hasain pa ang kanyang laro ngayong napunta sa crowd favorite squad.
“I’m gonna work on my game everyday,” bulalas niya via Zoom.
Hindi rin matunog ang 6-3 Fil-Am guard na si Enriquez, pero maayos ang kredensiyal bilang produkto ng United States National Collegiate Athletic Association Division II school William Woods University sa Missouri.
Nakapasa aniya aniya na ang pinakasikat na koponan pa sa propesyonal na liga ang kumuha sa kanyang serbisyo.
“I wanna thank coach (Earl Timothy) Tim Cone and the Ginebra family for taking a chance on me. I’m just really grateful and blessed,” lahad ni Enriquez, 25, sa Zoom din. “I’m just really looking forward to learning the culture of basketball here.”
Sa April 11 pa magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup. (REC)
-
PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo
INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito. Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay […]
-
Kasama sa makikita sa bago niyang vlog… BEA, nakapagpatayo na ng Beati Farm Chapel at puwede nang mag-Holy Mass
TIYAK na mami-miss na naman ng kanyang mga fans ang mahusay na Kapuso actress na si Jo Berry dahil sa Friday, April 22, ay magtatapos na ang Little Princess. Kaya wish nga ng mga followers ng afternoon prime drama na masundan daw agad ito ng bagong serye, na magtatampok muli kay Jo. […]
-
RED CROSS SUPORTADO ANG MEASLES-RUBELLA AND POLIO VACCINATION CAMPAIGN NG DOH
SUPORTADO ng Philippine Red Cross ang “Chikiting Ligtas,” o ang Department of Health Measles-Rubella and Polio Supplementary Immunization campaign na sinimulan sa buong bansa mula May 1 hanggang 31,2023. Ang programa ay inilunsad upang maiwasan ang pagsiklab ng tigdas, kasunod ng mas mababa sa inaasahang turnout sa mga nakaraang kampanya ng pagbabakuna, lalo […]