• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round

WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo.

 

 

Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon Expressway o NLEX sa No. 3 si dating National Collegiate Athletic Association Most Valuable Player Calvin Oftana buhat sa San Beda University;

 

 

Si guard Mikey Williams ang kinontak ng Talk ‘N Text sa No. 4, si 6-foot-4 De La Salle University Center Santi Santillan ang biningwit ng Rain or Shine sa No. 5, kinuha ng Alaska Milk ang karapatan sa No. 6 para kay 6-7 center Ben Adamos ng University of Perpetual Help.

 

 

Isa pang center ang kinalawit ng Phoenix sa No. 7, si 6-6 Larry Muyang mula sa Letran College, lumanding si University of the East hotshot Alvin Pasaol sa No. 9 pick para sa Meralco.

 

 

Naubusan n a nang laking kursunada, Plan B ang kinilos ng Magnolia Hotshots sa pagtapik kay shooter Jerrick Ahanmisi sa No. 10, sentro ang dinagit ng Barangay Ginebra San Miguel sa No. 12, si 6-8 Fil-Norwegian Ken Holmqvist na naglaro sa Far Eeastern University.

 

 

May tig-isang picks ang first four teams sa Special Draft para sa Gilas Pilipinas o national men’s basketball team na ginawa ng propesyonal na liga para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc.

 

 

Lagak sa Dyip si Jordan Heading, si William Navarro sa Batang Pier, si Tzaddy Rangel sa Road Warriors at si Jaydee Tungcab sa Tropang Giga.

 

 

Makikipag-agawan ang 65 na mga nabunot mula sa 86 na apllicants ng team spot nila sa regular at vgeteran free agents ng 12 koponan patungo sa pagbubukas ng liga sa Abril 11.

 

 

Mula sa Opensa Depensa, may the best best win na lang. (REC) 

Other News
  • Marcial pasok sa Q’finals

    Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.     Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.     Itinigil […]

  • Ads February 28, 2022

  • P6.9 MILYON HALAGA NG SHABU GALING SA SOUTH AFRICA, NABUKING SA PACKAGE

    TINATAYANG P6.9 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Custom (BoC) at Cavite Police sa isang package na ipinadala galing sa South Africa na ipinadala sa isang recipient  sa  Imus City, Cavite, Lunes ng hapon.     Kinilala ang inaresto na tumanggap ng package […]