• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang quarantine facilities binuksan ni Yorme Isko

MAY dalawa pang quarantine facilities ang binuksan, kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang paghahanda sa posibleng 2nd wave ng COVID19 sa Maynila.

 

Ayon kay Moreno,kasama niya si Vice Mayor Honey Lacuna sa inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Huwebes, Oktubre 22. Ang dalawang quarantine facilities ay mayroong kabuuang 100 bed capacity.

 

Sinabi ni Moreno na magpa- pasalamat siya ng marami kung hindi na magagamit ang mga nasabing pasilidad, na ang ibig sabihin lamang ay ligtas na ang mamamayan ng lungsod sa coronavirus.

 

Sinabi ng alkalde na habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng kaluwagan sa komunidad bilang paraan ng pagpapasigla sa ekonomiya at upang maibalik ang trabaho ng karamihan na nawalan ng kabuhayan bunga ng pandemya, sinabi ni Moreno na kailangang may kahandaan ang panig ng pamahalaang lokal sakaling magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng coronavirus na laging isang posibilidad.

 

Muling nagpaalala si Moreno na sa lahat ng mga taga-Maynila na ang nakamamatay na virus ay nanatiling nasa paligid, at bilang katibayan ay ang nangyari sa mga bansa sa Europe, Spain at Argentina kung saan ay nakakaranas ngayon ng second wave ng COVID-19.

 

“We do not want a second wave. In fact, how I wish na hindi magamit ang mga quarantine facilities natin but we have to be ready in case it happens and I hope everyone joins me in praying na hindi nga ito mangyari by keeping safety in mind,” ayon kay Moreno.

 

Kailangan umano na balansehin ang buhay at ang kabuhayan at habang binubuksan ng lungsod ang ekonomiya ng paunti-unti ay nanawagan si Moreno sa publiko na magbabalik trabaho na sumunod sa itinakdang na basic health protocols na 3W’s —wear your face mask, wash your hands at watch your distance. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]

  • Bayang karerista nabanas

    MASAGWA ang pag-umpisa ng karera ng mga kabayo nitong Setyembre 6 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.   Naging problema ang tayaan, atrasado pagtakbo ng unang karera na sa halip alas-12:00 nang tanghali pasado ala-1:00 nang hapon na bago napasibat ang mga pangarera.   “Masyado kasing minadali, inumpisahan nila ang karera pero […]

  • Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

    Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.     “Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa […]