VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang digital platforms.
Si Ate Vi, na kauna-unahang EDDYS Best Actress para sa pelikulang Everything About Her noong 2017, ang naatasang mag-present ng Best Actress award habang ang Kapuso Primetime King na nagwagi ng 3rd EDDYS Best Actor (para sa pelikulang Sid & Aya) ang maghahayag ng mananalong Best Actor.
Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ang ikaapat na edisyon ng The EDDYS ay sa ilalim ng direksyon ng OPM icon na si Ice Seguerra.
Labing-apat na kategorya ang paglalabanan ng mga de-kalidad na pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon.
Bukod diyan, bibigyang-pagkilala rin ang mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa industriya ng pelikula.
Ang 2021 Icon awardees ay sina Tommy Abuel, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Gloria Sevilla, Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Direk Joel Lamangan, Ricky Lee at Caridad Sanchez.
Ilulunsad din sa gabing iyon ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red. Ang mga unang tatanggap ng IVR Award ay sina Ramon Ang, Senator Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa at Rhea Anicoche-Tan.
Special awardees naman sina Lolit Solis (Joe Quirino Award)at Mario Bautista (Manny Pichel Award); at ang Blacksheep Productions (Rising Producers Circle Award); at The IdeaFirst Company (Producer of the Year Award).
Samantala, sa ikatlong taon ng pagsasanib-pwersa ng SPEEd at FDCP para sa The EDDYS, sinabi ni Chair Liza na, “Ikinararangal ko pong maging kabahagi ng EDDYS ang FDCP. Sa lahat po ng mga pinakamahalagang yugto sa buhay ng FDCP, kasama po namin ang mga kapatid natin sa press. Naging kabahagi po kayo nang lahat ng tagumpay at pagsubok sa pagtataguyod ng ating cinema at ng industriya.
“On the occasion of its 4th year, the EDDYS continues its commitment to shine a light on the most brilliant spots of our newsworthy industry,” dagdag pa niya.
Tulad ng mga nakaraang taon, si Juancho Robles, managing partner ng Chan Robles & Company, CPAs, ang tatayong auditor ng 4th EDDYS.
Major sponsors naman ang toktok courier service/delivery app at Beautederm Corporation. Ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 2021 Entertainment Editors’ Choice ay ang mga sumusunod: House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran (ng Patrylist na ACT-CIS), Willie Revillame, Raffy Tulfo, Tiger Crackers, Smart Shot Studio, San Miguel Corp., Aficionado of Joel Cruz at Maris Pure Corp.
Ang 4th EDDYS ay mapapanood sa April 4, 8 p.m., sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms. Mag-register lang sa FDCP Channel para sa libreng access. (ROHN ROMULO)
-
Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106
INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products. Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga […]
-
May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez
SINIGURO ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon. Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa […]
-
Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85
Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr. Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig. May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung […]