• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Standhardinger paaastigin si Holmqvist sa Gin Kings

KARAMIHAN marahil sa mga kumakarir sa basketbol, gustong mapunta sa Barangay Ginebra San Miguel kapag nag-propesyonal na o mag-Philippine Basketball Association (PBA).

 

 

Isa na riyan si Ken Holmqvist.

 

 

Mas mapalad nga lang ang 26 na taong gulang na Filipino-Norwegian sa ibang kapwa basketbolista dahil napagbigyan ang kanyang inaasam.

 

 

Sa virtual 36th PBA Draft 2021 noong Linggo, Marso 12, unang inanunsyo ni BGSM coach Earl Timothy Cone ang pangalan ng 6-8 slotman bilang first round, 12th overall pick ng Gin Kings.

 

 

Magkasunod sina Holmqvist at Fil-American Brian Enriquez na first pick at second round, 13th overall na kinuha ng crowd darlings.

 

 

Silang dalawa lang ang mga kinuha ng alak sa sa draft na kinapalooban ng 86 aplikante at 65 ang mga binunot ng 12 koponan. Nag-pass na ang Ginebra sa third round.

 

 

Makakapareha ni Holmqvist si Fil-German Christian Standhardinger na bagong salta lang din sa team pero magiging mentor niya. Galing si C-Stan sa NorthPort Batang Pier via trade kay Gregory William Slaughter.

 

 

Namamalagi na sa ‘Pinas si Holmqvist, pero naisipang umuwi ng Norway noong 2016. Ilang taon ang nakalipas, bumalik ng bansa at natupad na ang pangarap.

 

 

“I’m really happy to be picked by Ginebra,” bigkas ni Holmqvist na lumaro dati sa Far Eastern University Tamaraws sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

“That’s exactly where I wanted to go,” panapos na wika nang magiging isa  sa pangunahing piyesa ng new-look frontline ng Kings.

 

 

Ang iba pang malalaking makakapareho niya sa Gins ay sina Prince Caperal at Japeth Paul Aguilar. Kadarating lang din ni Standhardinger mula NorthPort sa one-on-one swap kay Greg Slaughter.

 

 

Aabangan ng Opensa Depensa ang ‘binyag’ ni Holmqvist sa liga na planong magbvukas ng 46th season Philippine Cup 2021 sa Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Other News
  • No vaccine, no contact sports – PSC

     Pinayuhan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez ang lahat ng National Sports Associations (NSAs) na sumunod sa ipinatutupad na protocol at rekomendasyon mula sa Inter-Agency Task Force  on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa unti-unting pagbabalik ng sports sa “new normal.”   Pansamantala, dapat muna umanong ituon ng NSAs ang kanilang […]

  • Alas, Dagdag nagpakasal

    NAGPAKASAL na nitong Setyembre sa isang civil ceremony sina Philippine Basketball Association (PBA) star Kevin Louie  Alas ng North Luzon Expressway Road Warriors at PBA courtside reporter Selina Dagdag.   Pinaskil sa Instagram ng bagong mag-asawa kinabukasan ang mga litrato sa kanilang pag-iisang dibdib.   “A church wedding is what we originally planned but we […]

  • CHYNNA, nag-tweet na para matuldukan kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive ang buong pamilya

    NA–TSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.     Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem.           Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya […]