JC Intal nag-retiro na sa paglalaro sa PBA
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasya na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.
Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.
Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.
Matapos kasi ang paglalaro niya sa Ateneo Blue Eagles ay naging fourth overall pick ito sa 2007 PBA Rookie Draft ng Air21 Express.
Matapos ang dalawan gseason ay lumipat ito sa Barangay Ginebra at Purefoods bago bumalik sa Barako Bulls noong 2013 hanggang sa makuha ito ng Phoenix Fuel ang koponan
Naging bahagi siya ng 2015 FIBA Asia Championship sa China na mayroong average na 3.8 points, 2.3 rebounds at 1.3 assist per game.
-
Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day. Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon. Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, […]
-
Gobyerno handa na sa pagbabakuna
Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero. Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive […]
-
Sara Duterte spokesperson, Mayor Frasco next Tourism secretary, Erwin Tulfo magiging DSWD chief ni Marcos
LIMA pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles. Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping. Habang ang susunod na magiging Tourism secretary […]