Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.
Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.
Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.
Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.
Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.
-
ILANG KALSADA, NA NAAPEKTUHAN NG LINDOL BINUKSAN NA NG DPWH
BINUKSAN na sa mga motorista ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang mga pangunahing kalsada) matapos maapektuhan ng 7.3 magnitude quake kahapon sa Cordillera Administrative Region (CAR) Ilocos Region . Simula kaninang alas 6:00 ng umaga ay madadaanan na ilang mga kalsada ayon na rin sa ulat mula sa DPWH […]
-
Sotto patuloy ang paglaki
Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magiging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida. Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account. […]
-
TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan. Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang […]