FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.
“Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face mask at face shield para sigurado na nga naman! Yun dating “encouragement”o paghikayat na magsuot ng face shield ay mukhang naging “requirement”na.
Dahil dito ay namigay ng sariling gawang faceshield ang Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) at ‘Ang Bumbero’ng Pilipinas sa mga pasahero at manggagawa. Ilang LGU at NGO na rin ang sumunod at namigay na rin ng libreng face shields.
Samantala, inalis naman ng IATF ang polisiya na gumamit ng barrier sa mga family-used motorcycles kapag ang rider at naka-angkas ay ‘members of the samehousehold. Matatandaang pinalagan natin ang polisiyang ito mula pa nung una. Ito ang panukala noon pa ng LCSP!
Pero itinuloy pa rin ang nasabing polisiyang kaya imbes matuwa ay binatikos ito ng mga may-ari ng motorsiklo dahil sa gumastos na sila tapos babawiin rin pala.
Ganyan ang mga polisiyang hindi gaanong pinagaralan bago ipatupad. Ang isa pang dapat alisin ay ang mga road barriers sa mga kalye. Mistulang mga pang-gyera ang mga ito na humaharang sa daloy ng trapiko.
Kung ang objective nito ay para walang makapasok na ibang tao o sasakyan ay hindi rin nangyayari dahil may nadadaanan din namang iba para makakapasok sa kalyeng sinarahan.
Piliin na lang talaga ang kalyeng dapat isara at huwag gawing pahirap sa mga residente at motorista ang mga barriers. Ang curfew naman ay mananatili dahil sa nakatutulong din ito sa pagbaba ng krimen at umuuwi sa bahay ng maaga ang mga tao.
Maraming salamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa paggawa at pamimigay ng libreng faceshields – ‘Ang Bumbero ng Pilipinas’ sa pangunguna ni Chairman Leninsky Bacud, Robert Garcia, Squidpay, Marvin dela Cruz at Riverforest Development Corporation at mga LCSP at ABP volunteers. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang
Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok. Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose. […]
-
Kahit may namba-bash at nauumay na: MARIAN, tuloy lang sa paggawa ng dance videos na may million views
DAHIL sa bonggang-bongga na reaksyon ng netizens, tinuloy-tuloy na ni Kapuso Primetime Queen Marian ang paggawa ng dance videos sa TikTok. Ang una niyang dance video na kung saan sinayaw niyang 2011 hit song ni Jessie J. na “Price Tag” ay nakakuha ng milyung-milyong views. Nasundan pa ito ng tatlong dance videos, kaya umabot […]
-
PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE
MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China. Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities. “Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, […]