Misunderstanding ng Simbahan, plantsado na
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
PLANTSADO na ang maliit na misunderstanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.
Tiniyak ng Kalihim na wala ng problema.
Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa mga religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang mass gathering kasama na ang alinmang religuous activity.
“Wala pong problema diyan kasi ang Simbahang Katolika nagsasalita po sa pamamagitan ng CBCP. Narinig ko po, tinanong po sa akin ng isang media, hindi ko naman nakita kung ano iyong pastoral letter na iyon na mayroong isang Bishop lang na nagsasabi na susuwayin at magti-ten percent daw sila,” anito.
Kung tutuusin aniya ay wala naman talagang dapat na maging problema gayung nakasulat naman aniya sa Biblia na kailangan ding magpasakop o sumunod sa mga napili ng Panginoon na mamuno na ang tinutukoy ay ang gobyerno.
Aniya, kung papahintulutan daw kasi kahit 10 percent lang ang laman ng simbahan ay lalabas din sa kabilang banda na ang pagkukumpol – kumpulan ay mangyayari sa labas kaya sumat- total ay parang bale wala rin.
“Pero kahapon, nakakuha po ako ng text galing kay Secretary Meynard Guevarra dahil siya po ang assigned na makipag-coordinate sa ating mga religious groups, eh sabi niya wala raw pong problema at nilinaw na, na ang stand ng Simbahang Katolika ay susunod sila sa IATF Resolution.
So, wala pong problema kasi talaga namang maski sa Bibliya nakasulat iyan ‘no na kinakailangan sumunod doon sa mga napili ng Panginoon na mamuno,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
LALAKI, NAIPIT NG SASAKYAN HABANG NAGKAKABIT NG GPS
NASAWI ang isang 32-anyos na lalaki nang naipit ng isang tractor head nang paandarin ng driver nito habang nagkakabit ng GPS sa likuran ng kasunurang tractor head sa Port Arae, Manila Huwebes ng umaga. Naisugod pa sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jay Mark Kee ng 118 Unit 8 Gen Tinio St. […]
-
Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec
Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping. Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas […]
-
PH ADULT-ANIMATED FILM ‘HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ PREMIERES OCTOBER 29 ON NETFLIX
NETFLIX released the first look for Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. The adultanimation film from the Philippines star- ring Angelica Panganiban, Sam Milby, and Robin Padilla is set to premiere on October 29, 2020 at 12:01 am. Directed by Avid Liongoren, written by Manny Angeles and Paulle Olivenza, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano […]