MGA GYM, SPAS, INTERNET CAFES SARADO SA NAVOTAS
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 054 Series of 2021 na nag-aatas sa pansamantalang pagpapasara ng mga gyms, spas, at internet cafes sa lungsod habang umiiral ang mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila mula March 24 hanggang April 4, 2021, maliban kung ito’y pahabain.
Alinsunod ito sa Metropolitan Manila Development Authority Resolution No. 21-05 at sa Department of Trade and Industry Memorandum Circular No. 21-11.
Layon ng EO na higit mabawasan ang pagkalat at paghahatid ng COVID-19 sa komunidad.
“Ang Navotas City Hospital at ang aming community isolation ay umabot sa full capacity dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa ating lungsod. Kailangan nating gawin ang lahat ng pag-iingat at mga hakbang sa kaligtasan upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng virus,” ani Tiangco.
Ang kagamitan sa mga gym at fitness center, pati na rin ang surfaces at lugar, ay naibabahagi sa mga parokyano nito, kaya nadaragdagan ang panganib na mahawaan ng virus. Ganun din sa mga internet cafe, kung saan ang bilang ng mga tao ay gumagamit ng isang yunit ng computer na nagpapataas ng posibilidad hawaan .
Sa kabilang banda, ang social distancing sa mga spa at massage parlor ay halos imposible at mahirap para sa mga manggagawa at kliyente na masunod ang minimum safety protocols.
“Patuloy nating isuot nang maayos ang ating face mask, magsanay ng social distancing, palaging maghugas ng mga kamay, at manatili sa bahay hangga’t makakaya natin. Ang mga safety protocols ang ating pangunahing proteksyon mula sa virus, lalo na ang bago at transmissible variants,” paalala ni Tiangco.
Nauna rito, kinumpirma ng DOH na may 10 kaso ng B.1.1.7 (UK) at isang B.1.351 (South African) variants ang naitala sa Navotas. (Richard Mesa)
-
Inaming nagkaroon ng ‘di pagkakaintindihan: MIKOY, umiiwas kaya ‘di pa sila nagkaka-ayos ni JACLYN
MASAYA ang bagong news ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, host ng pinakamasayang game show na “Family Feud” sa GMA-7 na pwede nang sumali ang mga batang contestants. Ayon kay Dingdong, based daw sa survey, ang mga tamang sagot sa show, mga bata rin ang respondents para sa kiddie episodes. Nagbalik […]
-
PAGTANGGAL SA BUDGET NG PAO LABORATORY UNCONSTITUTIONAL MILYONG MAHIHIRAP NA PILIPINO MAAPEKTUHAN
IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo. Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief […]
-
Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting
AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya. Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply. “Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e. “Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na […]