Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.
Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Siniguro rin ng kalihim sa sambayahan na mayroon nang hakbang ang pamahalaan para lutasin ang isyu.
“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese Ambassador. We are ready to defend our national sovereignty and protect the marine resources of the Philippines,” pahayag ni Lorenzana.
Ayon sa kalihim, may mga barko na ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang ipinadala sa lugar.
Asahan na rin ang mas maraming barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magsasagawa ng sovereignty patrols para protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang Department of National Defense (DND) sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Coast Guard at Bureau of Aquatic and Fisheries Resources para magsanib pwersa hinggil sa kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea at ang Kalayaan Island Group (municipality of Pag-asa).
Sa kabilang dako, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na nasa 183 Chinese vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef batay sa isinagawang maritime patrol ng Philippine Air Force aircraft sa lugar.
Binigyang-diin ni Sobejana na hindi nila papayagan na masakop ng China ang Julian Felipe Reef gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.
Aniya, magkatuwang ang AFP, DND at Department of Foreign Affairs para maresolba ang isyu sa Julian Felipe Reef.
Ayon sa AFP chief, ayaw nila humantong sa military action kaya ginagawa nila ang lahat sa pamamagitan ng diplomatic approach.
-
PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR
PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City. Dumating si Pangulong Marcos sa lamay ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, […]
-
PBBM, nakipagpulong kay Blinken, Austin; pinuri ang PH-US alliance sa WPS
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang yumayabong na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa patuloy na katatagan sa West Philippine Sea (WPS) at Indo-Pacific region. Inihayag ito ng Pangulo, Martes ng umaga nang makapulong niya si US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin […]
-
Mga fans, netizen hati ang kuro-kuro sa pag-swap kay Christian Jaymar
NAGING hati ang opinyon ng mga panatiko at netizen ang inaapruhang trade kay CJ Perez na buhat sa San Miguel Beer patungong Terrafirma nitong Pebrero 2. Masaya ang ilang tagasunod sa pagkakabingwit ng Beermen sa 2019 first round, top pick overall, 2019 Rookie of the Year at two-time scoring leader para sa kanilang […]