• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad

Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients.

 

 

Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na nga­yong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay mahigpit na ipapatupad ng gobyerno ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR) strategy.

 

 

Kabilang din umano dito ang tinatawag na surveillance at pagpapaigting o pag-scan sa mga komunidad kung saan may tumataas na kaso nang sa ganun ay malaman kung sino ang nagdadala ng sakit para kaagad madala sa isolation facilities at magamot.

 

 

Ito ay dahil mayroon umanong mga indibidwal na nagtataglay ng virus pero walang sintomas kaya sila ang dapat na madala sa isolation facilities.

 

 

Ang deklarasyon ng Malakanyang sa ECQ ay para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Christopher Nolan’s ‘Tenet’, Finally Hitting to HBO Max This May

    HBO Max announced that Christopher Nolan’s espionage epic film Tenet will hit the Warner Media streamer May 1.     Tenet was originally scheduled for a July 2020 release, but as the COVID-19 pandemic forced theaters to shut down all around the world, Warner Bros. pushed the film back several times.     Some thought Tenet could be the […]

  • Quezon City ginawaran ng parangal ng DILG

    GINAWARAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang pagkilala ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisimyentong binigyan ng Safety Seal Certification.     Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Secretary Eduardo Año sa ginanap na awarding ce­remony sa SM Mall of Asia.     […]

  • Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery

    NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao.     Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor.     “My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her […]