• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalawig ng ECQ may ilang bilyong pisong epekto sa ekonomiya – ECOP

Mayroong malaking epekto sa ekonomiya ang panibagong pagpapalawig ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig na lugar nito.

 

 

Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr na bilyong piso ang magiging lugi ng mga negosyosa nasabing panibagong isang linggong ECQ.

 

 

Noong unang ECQ aniya sa Holy Week ay wala gaanong epekto nito dahil regular naman na nagpapatupad ng holiday ang mga employers tuwing Semana Santa.

 

 

Kung sinunod lamang aniya ng gobyerno ang paglalagay noon ng mga quarantine facilities ay hindi magkakaroon ng pagsisiksikan sa mga pagamutan.

 

 

Magugunitang pinalawig ng gobyerno sa Abril 4-11 ang ECQ sa NCR, Laguna, Bulacan, Rizal at Cavite dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Other News
  • NU Bulldogs pasok sa Final Four: first time sa pitong taon

    Sa wakas ay tinapos ng National University (NU) ang pitong taong paghihintay para makalaro sa UAAP Final Four ng men’s basketball championship matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST), 67-57, Linggo ng hapon sa Mall of Asia Arena.   At alam talaga ni NU coach Jeff Napa kung ano ang ibig sabihin nito.   […]

  • Pagbati bumuhos sa panalo ni Donaire

    Nanguna si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa bumati kay Nonito Donaire matapos ang panalo nito kay Nordine Oubaali ng France para makuha ang WBC Bantamweight belt.     Sinabi ng fighting senator na bagay pa rin ang tawag kay Donaire bilang Filipino Flash dahil sa pagiging oldest WBC bantamweight champion.     Tulad din […]

  • Pdu30, walang paki sa Pharmally

    WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon.   Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang […]