• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling pag-extend ng ECQ sa NCR PLus, malabo- Sec. Roque

MALABONG i-extend o palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng budget para sa karagdagang ayuda sa low-income households kapag ipinatupad ang nasabing extension.

 

Naglaan ang pamahalaan ng  P22.9 billion budget para sa “in cash” o “in kind” aid sa mga low-income families na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 11.

 

Ang nasabing ayuda ay P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada low-income family.

 

“Considering the statement of Secretary Avisado and that Congress is in recess so we will have to request for a special session for a supplemental budget, I don’t think we will have an ECQ for a third week,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The model that the DOH (Department of Health) is looking at is two weeks of ECQ and another week of MECQ (modified ECQ),” dagdag na pahayag nito.

 

Ang ECQ protocol, na epektibo sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal) mula Marso 29 hanggang Abril 11, ang pipigil sa non-essential trips at non-essential businesses at services mula sa pag-operate.

 

Ang polisiyang ito ay nagtapos noong Abril 4 bago pa ito na-extend para sa panibagong isang linggo bunsod ng tumaas na COVID-19 cases.

 

“The two-week ECQ and the possible one-week MECQ, as well as intensified contract tracing, isolation and having more mobile hospitals equipped with intensive care units and compliance of minimum public health standards, should significantly reduce the number of COVID-19 cases by May,” anito.

 

“We expect to reduce the COVID-19 cases by 4,000 a day by May 15,” aniya pa rin.

 

Hindi naman naging malinaw kung paano magiging iba ang MECQ sa ECQ sa panahon ngayon dahil ang ECQ policy ngayong taon ay hindi katulad noong 2020 kung saan pinapayagan ang public transportation na mag-operate ng hanggang 50% capacity.

 

Ang probisyon ukol sa public transportation ay pinapayagan lamang sa ilalim ng MECQ protocol noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • 2.99 million Filipinos, nananatiling walang trabaho

    KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo.     Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho.     Ang mga […]

  • Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

    NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).     Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.       […]

  • Pampublikong transportasyon sa Bulacan, balik operasyon na

    LUNGSOD NG MALOLOS- Balik operasyon na ang ilang pampublikong transportasyon sa Bulacan kabilang ang mga bus at dyip.   Matapos ang mahigit tatlong buwang tigil pasada, nasa 526 na yunit ng mga dyip at 510 na yunit ng bus ang nabigyan na ng special permit to operate at makapagserbisyo sa publiko.   Sa anunsyo ng Land […]