• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unti- unting pagbubukas ng domestic tourism

IKINATUWA ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang unti- unti nang pagbubukas ng domestic tourism sa bansa.

 

Ayon kay Sec. Andanar, isa sa mga makikinabang sa nasabing hakbang na ito ng gobyerno ay walang iba kundi ang mga manggagawa na naapektuhan ng mga ikinasang lockdown.

 

Sinabi pa ni Sec. Andanar na kasabay ng pagbabalik trabaho ng mga manggagawa ay ang pagbabalik din ng kanilang pinagkakakitaan o source of income.

 

Malaking tulong din aniya sa ginagawang economic recovery ng pamahalaan ang pagbubukas ng turismo gayung isa ito sa pinakapangunahing nakakapag- ambag sa economic development ng bansa.

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang Kalihim na sa mga susunod na araw ay unti- unti na ding magbubukas ang turismo sa Region 10 na naghahanda na ngayon ng tourism bubble na kagaya ng ipinatutupad sa Baguio. (Daris Jose)

Other News
  • “Maging maayos na ang agrikultura”

    “MAGING maayos na ang agrikultura” ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 13.     Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman ang tulong na maaaring ibigay nito […]

  • Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

    Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]

  • Nagpasayaw, nagpaiyak at nagpabirit sa successful concert… ICE, walang humpay ang pasasalamat kay LIZA at mabuti na nakinig siya

    ISANG araw pagkatapos ng very successful “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ng OPM icon na si Ice Seguerra, nag-post siya sa Facebook at Instagram ng kanyang walang humpay na pasasalamat sa asawa na si Liza DiƱo-Seguerra.     Hindi nga siguro magiging matagumpay ang first major concert in ten years ni Ice na ginanap […]