• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno nakapag- recruit na ng health personnel para i- deploy sa NCR

NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel na magsisilbing augmentation force ng mga health workers sa National Capital Region (NCR) na nagmula sa ibang rehiyon.

 

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag- uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

 

 

Ani Sec. Roque, nasa nasabing pag- uusap nila ay nabanggit ni Usec Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang kanilang nare- recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila na mga medical workers.

 

 

” I don’t know the exact number. But last Saturday, we had a special meeting precisely with Executive Secretary and Senator Bong Go outside of the IATF meeting.

 

 

And that was where Usec. Vega said that they were able to hire 60% of their target personnel. So I will get the actual numbers but the percentage is what I remember from what Usec. Vega said, and this is rather good recruitment process of hiring 60% of the required number,” ayon kay Sec.Roque.

 

 

“Now, the 60% I think are even full-time plantilla positions ‘no. So I’m not sure about how many he has been able to recruit for temporary positions. I will find out,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya pa, batay sa kanyang pagkakaalam ay plantilla positions pa nga ang nakuha ng mga na- recruit na mga bagong government health personnel.

 

 

Ito aniya ay full-time plantilla positions habang aalamin din ani Roque niya kay Vega kung ilan na ang eksaktong nadagdag na medical force na target ng DOH ang naiposte na dito sa Metro Manila para magsilbing augmentation force ng mga NCR health personnel. (Daris Jose)

Other News
  • Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang

    Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter.     Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race.   […]

  • PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]

  • Gov’t compensation para sa violent crime victims, itaas

    NAIS  ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na taasan ng 5 beses ang reparations na maaaring makuha ng mga biktima ng bayolenteng krimen, kabilang ang rape survivors, mula sa gobyerno sa ilalim ng  special program ng Department of Justice (DOJ).     Sa House Bill No. 5029,  ang biktima o pamilya nito, ng bayolenteng krimen […]