• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagiging incompetent ng pamahalaan, pinalagan ng WHO rep

PINALAGAN ni WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe ang ulat na ang pagsirit ng bilang COVID-19 cases nitong Marso ay bunsod ng walang kakayahan ng pamahalaan na tugunan ito.

 

 

Giit ni Abeyasinghe na hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng Covid 19 kundi maging ang ibang bansa ay nakararanas ngayon ng pagtaas ng infections, dahilan aniya para magpatupad din ang mga ito ng restriksyon.

 

 

“I would want to reiterate the fact that the Philippines is not unique in seeing an increase, and this increase is not attributed in any way to incompetence,” ani Abeyasinghe.

 

 

At nang tanungin naman si Abeyasinghe ni presidential spokesperson Harry Roque kung ang pagtaas ng kaso ng Covid 19 ay dahil sa pagpapakita ng “government incompetence” ay kaagad namang sumagot si Abeyasinghe ng “Of course, that does not take away from the fact that we need to continue to invest and works towards strengthening our preparedness and response capacities on the ground.”

 

 

Aniya, ang surge o pagdagsa ng bilang ng kaso ng covid 19 ay dahil sa nadagdagan ang transmissibility ng coronavirus dahil sa new variants, at pagiging pabaya na ng mga tao sa pagsunod sa health protocols, at “optimism of the arrival and gradual rollout of vaccines.”

 

 

Bilang tugon, kaagad namang isinailalim ng pamahalaan ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — o mas kilala bilang NCR Plus — sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na pinakamahigpit na uri ng lockdown, simula Marso 29 hanggang Abril 4 para limitahan ang galaw ng mga tao at makatulong na mapigilan ang paghawa ng coronavirus.

 

 

Hindi naman nagtagal ay pinalawig ito ng pamahalaan ng hanggang Abril 11.

 

 

“WHO has for many months been talking of the need for a coordinated response,” ang pahayag ni Abeyasinghe.

 

 

“Not just a response that is coordinated across member states or countries but also within countries, between different provincial, regional, district government authorities so that there are coordinated response activities that are conducted in a well-coordinated manner so that we can get on top of this increased transmission we are seeing now in the Philippines,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

    Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.     Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]

  • Angelica, sinakyan na lang ang pagli-link sa kanila ni Zanjoe

    NALI-LINK ngayon sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.   Hindi lang kami sure kung dahil ba sila ang magkapareha sa serye at magkasama sa lock in taping o dahil sa sagot ni Angelica sa kanyang online show na “Ask Angelica” kung sino sa lahat ng leading men niya ang pinaka-favorite niya.   O baka dahil […]

  • Grupo ng mga guro, suportado ang hakbang ng DepEd na ihinto ang Best Implementers sa “Brigada Eskwela”

    MALUGOD na tinanggap ng isang grupo ng mga guro sa buong bansa ang hakbang ng Department of Education na ihinto ang paggawad ng pinakamahusay na Brigada Eskwela implementers para sa school year na ito.     Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sinusuportahan nito ang desisyon ng DepEd kasunod ng mga ulat ng […]