Duterte fit at healthy, negatibo sa COVID-19 test
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nananatiling fit at healthy ang kasalukuyang kalusugan at kondisyon ng katawan ni Pangulong Duterte.
Reaksyon ito ng Ma-lakanyang sa kumalat na balita na na-stroke umano ang Punong Ehekutibo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng Presidente.
Sinabi rin ni Roque na patuloy na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.
Siniguro rin ni Sen. Bong Go na malakas at hindi tinamaan ng COVID-19 si Pangulong Duterte. Aniya ang swab test ay isinagawa nitong nakaraang Semana Santa.
Samantala, pinabawasan ng Presidential Security Group ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte matapos mara-ming miyembro ng PSG ang nagka-COVID.
Ayon kay PSG commander, Brig. General Jesus Durante, hindi muna ipagsasapalaran ng kanilang hanay ang kaligtasan ng Pangulo hanggang nananatiling mataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa ngayon, naka-lockdown ang buong Malacañang Complex dahil umiiral ang ECQ sa Metro Manila.
-
PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan
SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang tahanan, trabaho, at komunidad. Ito ang naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account. “Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si […]
-
PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV
NASAWI ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa Maynila. Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner ng 694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila. Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang driver ng 2016 Toyota […]
-
US Open champ Emma Raducanu, laglag agad sa first match ng Indian Wells
Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament. Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64. Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British […]