• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na, pinatulan ng Malakanyang

TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.

 

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ.

 

Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na tumutugon din ito sa pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa.

 

Bukod dito, mayroon din aniya na resource augmentation mula naman sa LGUpara sa mga family food packs habang naririyan din ang 4Ps.

 

“Sa mga nagsasabi na hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance bawat indibidwal or 4,000 pesos bawat pamilyang Pilipino, patuloy ang DSWD na nag-i-implement po ng mga regular social welfare services nito kagaya ng AICS, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation, para tumugon sa iba pa pong mga pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa,” ayon kay Sec. Roque.

“Gayun din ang resource augmentation nito sa LGUs para sa mga family food packs upang tumulong sa LGUs na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.  Mayroon din tayong 4Ps beneficiaries,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • PBA 2nd conference tuloy!

    Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports.     Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga fo­reign imports na darating sa bansa. […]

  • Mahigit 1-K na pulis ipapakalat ng Manila Police District sa Labor Day

    NASA 1,100 na kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang ipapakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa pagdiriwang ng araw ng manggagawa o Labor Day sa Mayo 1.     Inaasahan kasi ng MPD na magsasagawa ang iba’t ibang progresibong grupo ng kilos protesta sa nasabing araw.     Ilan sa mga lugar na […]

  • WHO, suportado ang third Covid-19 dose

    INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses.   “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable […]