• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko

GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa.

 

 

Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila at nagpanggap na siya na tinatanong kung ilan ang pumasok at dadaan daw siya.

 

 

Kaya naman nag-post si Ara ng kanyang pagkadismaya sa mga taong nagbabalak ng hindi maganda.

 

 

Sa ganitong panahon ng pandemic, hindi ko lubos maisip kung bakit may nakakagawa pa ng ganitong panloloko.
     “Someone or maybe some people are attempting na lokohin at pagnakawan ang mga branches ng #Hazelberry by sending messages like these at nagpapanggap na ako. Ang galing ng mga taong ito!


     “Pero kung gagamitin nila ang galing at talino nila sa kabutihan at hindi sa kasamaan, mas magkakaron pa tayo ng pag-asang makabangon from this crisis.


     “Maliit na negosyante lang po kami, na nagsusumikap na maghanapbuhay kahit na hirap na hirap na tayo sa sitwasyon.


     “Salamat na lang sa Diyos at alisto ang mga staff namin and they know what to do sa mga kaduda-dudang pagkakataon.


     “Haaay, I want to end this lightly, pero hindi mababaw ang ganitong klaseng panloloko.


     “Anyway, sa mga kapwa ko business owners, beware of ploys such as this. Be safe, not only against the virus. @hazelberryofficial #BeSafeEveryone #MayGodBlessYou.”

 

Nag-react naman ang ilang celebrity friends na nagpakita ng suporta at ‘yun iba ay nagalit din.

 

 

Comment ni Maricar Reyes Poon, “I feel u. Nakakaawa na nakakagalit ang mga ganyan.”

 

Say naman ni Say Alonzo, “Grabe @therealaramina !!! Tinext talaga lahat!”

 

“Omg. Grabe yan Ara,” post ni Christine Bersola-Babao.

 

Reaksyon naman ni Teresa Loyzaga, “God Bless you sis @therealaramina !!! Sa dami ng mga tinutulungan mo, balak ka pang lokohin! May God bless you more!!! Ingat and ingat everyone!!! ”

 

Sabi naman ni Candy Pangilinan, “Omg! Ingat. Meron din tumawag sa mama ko yesterday asking to transfer 40k sa gcash niya at na-aksidente daw kapatid ko. Grabe talaga.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • PLDT nagdagdag pa ng 2 players

    DALAWANG  players ng Perlas Spikers ang nagtawid-bakod sa kampo ng PLDT Home Fibr para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.     Nagpasya sina Heather Guinoo at Jules Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magdesis­yon ang Perlas Spikers na magsumite ng leave of absence sa liga.     Excited na sina Guinoo […]

  • Sec. Roque, naka-isolate sa bahay

    ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay.   Nilinaw ni Sec. Roque na  nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol. ” Nagka-positive po ang aking security  detail. Wala naman po akong  sintomas but i’m […]

  • 2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at […]