• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT

NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  Clark International Airport ang isang papaalis na  biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.

 

 

Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng  Emirates Airlines  sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang Overseas Employment Certificate (OEC) bilang isang Balik Manggagawa, gayunman, nakitaan siya ng kanina-hinala sa kanyang mga dokumento ni  Immigration Officer Vanessa Icban  kaya in-refer nito sa mga miyembro ng BI’s TCEU  para inspeksiyunin at dito nakita na ang biktima ay huling dumating sa bansa noong 2019 at may Dubai work visa.

 

 

Pero noon nagsagawa ng beripikasyon nalaman na ang kanyang work visa ay kanselado na  at nagtataglay ito ng tourist visa.

 

 

Immigration Commissioner Jaime Morente commended the efforts of the Clark immigration officers in intercepting said victim.

 

 

“I know it is a challenge to intercept such cases as they are presenting complete documents and are in the guise of being legitimate OFWs,”  ayon kay BI Commissioner Jaime  Morente.

 

 

“We commend the quick eye of our immigration officers, which allowed them to uncover this modus,” dagdag  pa nito.

 

 

Sa kasalukuyang sistema, ang isang dating OFW na ang visa at kontrata ay napaso na ay bibigyan ng panibagong tourist visa para payagan silang makalabas upang illegal na makapagtrabaho bilang mga turista , gamit ang kanilang luamng OEC.

 

 

“This is an obvious circumvention of the law, and victims are promised that they can depart using their old OECs that are, in fact, invalid already,” ayon  Morente.  “Victims end up working for a different employer, or worse, fly off to a third country like Iraq or Syria,” dagdag pa nito.

 

 

Ang biktima ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Overseas Employment Administration Labor Assistance Center Pampanga. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal

    INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922.      Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.   […]

  • Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan

    Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.   Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaa­ring ang talamak na mi­ning activities umano sa […]

  • Dahil sa pag-come-out na isa ring kakampink: ANNE, naikumpara ng netizens kay TONI na kilalang BBM supporter

    NAGLABAS na ng statement si Anne Curtis kung ano ang political color o kung sino ang Presidenteng sinusuportahan niya.     Ang daming nag-comment at halos umabot ng 15,000 ang retweet sa simpleng pagre-retweet ni Anne ng kakampink crowd sa Iloilo campaign sortie ni Vice President Leni Robredo.           Ni-retweet lang ni Anne […]