• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

400k manggagawa sa turismo, nakatanggap ng tulong mula sa DOLE

Inaprubahan ng Department of Labor and Employment ang aplikasyon ng aabot sa 400,000 manggagawa sa sektor ng turismo upang mabigyan ng tig-lilimang libong piso (P5,000) na tulong pinansyal mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

 

 

Hanggang Abril 11, umabot na sa 370,434 manggagawa mula sa 14,301 na establisimentong panturismo, organisasyon at asosasyon sa buong bansa, at 13,123 na nag aplay nang personal, ang benepisyaryo ng naturang programa ng DOLE.

 

 

Sa nasabing tulong, P1.2 bilyong piso rito ang naipadala sa pamamagitan ng mga payment center habang ang natitirang P719.2 milyon ay nakatakda nang ipamahagi.

 

 

Sa isang virtual ceremony nitong Lunes, pinangunahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang awarding ng tulong para sa mga napiling benepisyaryo mula sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

 

 

Hinikayat ni Bello ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya lalo’t higit ang mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, kabilang ang mga lalawigan  ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mag-aplay para sa tulong pinansyal na magkatuwang na ipinatutupad ng DOLE at DOT.

 

 

Samantala, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na sa unang linggo ng pagpapatupad ng ECQ ay nakapamahagi na ng tulong ang kagawaran sa 8,000 manggagawa sa sektor ng turismo, sa ilalim ng programang CAMP.

 

 

“Hindi tayo magsasawang tumulong sa kabila ng mga hadlang na dala ng pandemya. Sa mga susunod na buwan, kasabay ng pagbuhay sa ekonomiya, umaasa tayong manunumbalik sa dati nitong sigla ang sektor ng turismo sa bansa,” wika ni Bello, kasabay ng pagtitiyak nitong patuloy na tutulong ang DOLE at DOT sa mga manggagawa sa sektor ng turismo.

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Philippine Association for Licensed Massage Therapists Inc., World Photo Journeys Travel and Tours, 1 Aviation Ground Handling Services Corporation, Hotel Kimberly Manila, Okada Manila Hotel, Great Sights Travel and Tours Corporation, Hop Inn Ermita, Link-World Travel and Tours, Canadian Travel and Tour Corporation, at PLDOZE Travel and Tours sa National Capital Region.

 

 

Sa Central Luzon, ang mga benepisyaryo ay nagmula sa Baliuag Buntal Handicrafts Manufacturing, Hilot Kamay One Guiguinteño, San Francisco TODA, Sta. Ana Bulakan TODA, Sto. Rosario Tibig TODA, Zesto Tricycle Operations and Drivers Association Inc., Triple Junction Subdivision TODA, Marilao Poblacion 2 Tricycle Operators and Drivers Association, at sa Gitda-08 Daungan TODA.

 

 

Habang ang mga benepisyaryo ng CAMP sa CALABARZON ay mula sa Bag of Beans Café and Restaurant, Inc.; Lantic Carmona Estates, Cedar, Manila Jockey TODA; Public Utility Jeepney Association of Carmona, Inc.; Maduya-PNCC-Golden Mile Tricycle Operators and Drivers Association Inc.; Carmona Public Market Calabuso TODA, Tour Guide and Recreation Association, Inc.; Samahang Nagkakaisa para sa Kaunlaran ng Myseoul Tiangge; Samahan ng Manininda, Mananahi at mga Tauhan sa Bagpi Taytay; Taytay’s Fashion Group; Antipolo Group Inc.; United Boatmen Association; Maria Makiling Frontliners Association Inc.; Costales Nature Farms, Inc.; Bukal Local Guide Association at Lumban Embroidery Association Multipurpose Cooperative.

 

 

Upang makapag-aplay para sa tulong, ang mga establisimyento, asosasyon, organisasyon, at indibidwal ay dapat na magsumite ng mga documentary requirement sa DOT Regional Office para sa inisyal na pagsusuri. Pagkatapos ng beripikasyon, bibigyang direktiba ng mga DOT Regional Office ang mga aplikante upang isumite ang kanilang aplikasyon at kaukulang dokumento online https://reports.dole.gov.ph/.

Other News
  • Ads April 26, 2022

  • PDU30, inakusahan ang Philippine Red Cross na “sablay” sa pagsasagawa ng COVID tests

    PINARATANGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Red Cross na sablay sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa dahil sa makailang ulit na pagkakamali na pagbibigay ng resulta nito.   Sa Talk to the People, araw ng Lunes ay isiniwalat ng Pangulo ang 44 hospital personnel, na nadeklarang COVID-19 positive ng Philippine Red Cross […]

  • DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service

    MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.   Aabot sa […]