• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Injuries ng mga players isinisi sa ‘brutal’ na games scheduling ng NBA

Isinisi ngayon ng mismong ilang mga NBA managers ang mahigpit na scheduling na siyang dahilan umano ng maraming injuries ng marami nilang mga players.

 

 

Ayon sa ilang general managers na tumangging isapubliko ang mga pangalan, mas matindi pa ngayon ang torneyo kumpara sa ginanap na NBA bubble noong nakaraang taon sa Florida.

 

 

Sinabi naman ng iba, ito na ngayon ang worst scheduling sa kasaysayan ng liga dahil sa mga dikit dikit na mga laro at magkakasunod pa.

 

 

Naghahabol din kasi ang NBA na tapusin ang torneyo bago ang Tokyo Olympics sa Hulyo.

 

 

Samantala, tinawag naman ng ilang team managers na masyadong “brutal” ang sistema ngayon sa mga laro na dulot ng krisis sa pandemya.

 

 

Liban sa mga injuries, may mga players din na biglang inaalis sa court dahil sa isyu sa contact tracing sa mga nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Kung maalala ilan lamang sa maraming superstar na injured ngayon ay sina LeBron James, Anthony Davis, Fil Am player Jordan Clarkson, Kevin Durant, James Harden, LaMarcus Aldridge, Blake Griffin, Jamal Murray, Trae Young, Kawhi Leonard, Gordon Hayward, Marc Gasol at marami pa.

Other News
  • Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa

    Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan.     Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]

  • Walang overcharging na nangyari sa gitna ng iniuutos nitong refund sa mga customers ng Meralco -ERC

    BINIGYANG-diin ng  Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha nito mula sa kanilang customers.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay  diperensiya lamang […]

  • Serena vs Venus sa Top Seed Open

    Nagbalik si Serena Williams sa paglalaro matapos mamahinga dahil sa COVID-19 outbreak at talunin si Bernarda Pera upang maikasa ang ikalawang laban kontra sa kanyang kapatid na si Venus sa Top Seed Open sa Lexington, Kentucky.   Haharapin ng top seed na si Serena si Venus matapos naman nitong talunin si dating world number one […]