• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito

Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike.

 

 

Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13.

 

 

Sinabi nito na naging matagumpay ang paglunsad ng sapatos ng asawa nito sa nagdaang 18 taon at mas marami pa itong naisusuot na sapatos ni Kobe kaysa sa ibang mga signature shoes.

 

 

Isang dahilan kaya hindi na ito nagrenew ng kontrata sa Nike ay dahil sa walang size na pambata.

 

 

Umaasa pa rin ito na isusuot pa rin ng fans ng asawa nito ang mga produkto ng NBA legend.

 

 

Taong 2003 ng pumirma sa Nike si Kobe at naipalawig pa ito ng limang taon ang kontrata matapos ang pagreretiro niya noong 2016.

 

 

Magugunitang pumanaw si Bryant noong Enero 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan niya kasama ang anak at pitong iba pa.

Other News
  • RESTOS PWEDE NANG MAG-OPERATE LAGPAS SA CURFEW

    PINAYAGAN na sa Navotas city ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.   Sa ilalim ng Executive Order No. 044 ay  pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at […]

  • Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik

    Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng  ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15.     Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace.     Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga […]

  • Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico

    NAKAKUMPISKA  ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000.     Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico.     Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti […]