• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P32M BINALIK NG NAVOTAS PARA SA KARAGDAGANG AYUDA

IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries.

 

 

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs at medicines, supplies at materials, at office equipment.

 

 

“We received P199,871,000 from the national government for ECQ ayuda. Of this, P199,098,000 has been distributed to 27,131 beneficiaries of Social Amelioration Program Bayanihan 1; 855 recipients of SAP Bayanihan 2; 11,128 members of 4Ps; and 19,071 waitlisted in SAP,” paliwanag niya.

 

 

“As of April 23, we have a balance of P773,000, insufficient to cover the remaining 13,525 beneficiaries,” aniya. “We had to look for additional funds so we could provide the financial assistance.”

 

 

Ayon kay Tiangco, kailangang itaas ng lungsod ang tinatayang P34,320,000 upang maipamahagi ang cash aid sa 10,233 waitlisted ng SAP, 2,690 registered persons with disability, at 592 registered solo parents.

 

 

“We are still short of around P2 million that is why we plan to use some of our Gender and Development Fund to complete the needed amount,” sabi niya.

 

 

Humingi si Tiangco ng pag-unawa sa publiko kung kailangan talikuran ng gobyerno ng lungsod ang ilang mga programa o proyekto nito. (Richard Mesa)

Other News
  • DSWD, inilatag na ang pangunahing criteria para alisin ang pamilya mula sa listahan ng 4Ps

    INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng  4Ps beneficiaries.     Una  na rito ay ang non-compliance sa mga kundisyon na itinakda ng  conditional cash transfer program (CCT).     Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kundisyon para […]

  • Planong online civil service exams matutupad – Palasyo

    TIWALA ang Malakanyang na maisasakatuparan ng Civil Service Commission (CSC) ang plano nitong online civil service exams.   Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nagkakaisa sila sa CSC sa planong online exam bilang pagsabay sa new normal ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.   Sinabi nj Presidential Spokes- person Harry Roque, hindi dapat maging hadlang […]

  • Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na

    Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa.   “The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” […]