• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF

NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit.

 

Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling mula sa virus.

 

Sa mga naging pahayag  ng mga eksperto, maraming kaso na raw sa mga nakarekober ang nakaranas ng heart attack partikular na iyong mga may comorbidities.

 

Gaya niya na kabilang sa mga survivor at marami na ring nararanasang comorbidities ay kinakailangan ng mas regular na magpa-check-up sa kanyang cardiologist upang mamonitor ang kanyang kondisyon partikular na ang kanyang puso. (Daris Jose)

Other News
  • Kai Sotto maraming bubutataan sa NBA

    Lalong dumami ang humanga sa higanteng si Kai Sotto sa ipinakita nitong mataas na vertical leap na 11.5” o lundag na halos 12 feet.   Lalong pinataas ng 18-year-old Sotto ang kanyang kalidad bilang manlalaro  matapos ibalandra sa social media ang ipinagmamalaking mataas na lundag.   Sa video na ipinost nito sa Instagram, makikitang bumwelo si Sotto bago lumundag […]

  • 6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust

    Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.   Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]

  • Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko

    Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR)       Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.       […]