• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PEKENG FB ACCOUNT NG FB, BINALAAN

NAGBABALA  ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko kaugnay sa pekeng Facebook page ng ahensya  na nag-aalok ng serbisyo ng ahensya.

 

Sa abiso ng NBI, ang “NBI ONLINE APPOINTMENT 2021” ay hindi  official facebook page ng NBI- Information and Communications technology Division  (NBI-ICTC) o anumang konektadong division o ng NBI.

 

Ayon pa sa abiso, ang nasabing FB page ay nag-aalok ng serbisyo at nagpapakilalang bahagi ng ahenysa gamit ang NBI logo o insignia.

 

Pinayuhan naman ng NBI ang lahat ng clearance applicants na magrehistro lamang online  para sa appointment  sa NBI Clerance appointment  and renewal website sa https://clerance.nbi.gov.ph/

 

Pinaalalahanan din ng BI ang publiko sa mga hindi otoriosadong paggamit ng official logo ng NBI na isang illegal act  at ang mga kawatan ay maaring maharap s reklamo o kaso. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nasaid ang savings at wala ng pangkain: ABDUL, malaki ang pasasalamat sa ginawang pagtulong ni DENNIS

    MARAMI ang hindi nakakaalam, pero malaki pala ang pasasalamat ni Abdul Rahman sa Kapuso actor na si Dennis Trillo. Kung matatandaan, dumating na sa punto si Abdul during pandemic na na-stroke ang nanay niya, nasaid ang savings niya at talagang humingi na ito ng tulong pinansiyal. At that time, nagkasama sina Abdul at Dennis sa […]

  • Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro

    IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa  fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5  sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.     Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO),  ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil […]

  • Nuezca, sibak na sa serbisyo sa PNP

    Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero.  Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana .   “[Chief […]