• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan.

 

 

Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo na tinawag na Tourism Integrates, Supports, and Minds Women’s Respect and Child Safety (TourISM WoRCS Program) na dinaluhan ng Bulacan Association Resort Owners at Bulacan Private Resorts.

 

 

Layunin nitong ibaba sa mga nagsidalo ang hinggil sa industriya ng turismo, epekto nito sa mga bata, mga hakbang na ginagawa upang protektahan ang mga bata, at hikayatin ang pagpapatupad ng mga polisiya at gawain upang matigil ang pagpapabaya at pananakit sa mga bata, at mahikayat sila na maging mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga bata at komunidad na rumerespeto sa karapatan ng mga bata.

 

 

Ayon sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, itinuturing ang turismo na isa sa pinakamalaking industriya na nag-aakyat ng kita sa ekonomiya at sa komunidad sa buong mundo. Ngunit, kaakibat ng mga benepisyong ito ang mga hindi magandang dulot nito sa larangan ng usaping sosyal gaya ng pagiging lantad ng kahinaan ng mga batang naghahanap-buhay at naninirahan sa mga pook panturismo.

 

 

“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga bata, ipinagbabawal ang child labor at child trafficking. Ang mga kabataan po ang pag-asa ng bayan pero hindi naman po ibig sabihing pwede natin silang pagkakitaan at ibenta ang kanilang mga karapatan. Tandaan po nating responsibilidad nating mga nakakatanda, mga magulang ang ating mga kabataan,” ani Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez

    Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG).     Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer […]

  • YASSER, nagpasalamat kay Direk LAURICE dahil lumabas ang husay; KYLINE, ‘di malilimutan ang pagganap bilang ‘Maggie dela Cruz’

    MALAKI ang pasasalamat ng Kapuso hunk Yasser Marta sa kanilang direktor sa teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Laurice Guillen.     Nagtapos na ang serye noong nakaraang March 26 at marami raw natutunan si Yasser kay Direk Laurice sa pagbuo ng character niyang si Jun Santos.     “Sa lahat ng […]

  • May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez

    SINIGURO  ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon.     Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa […]