MAG-INA ARESTADO NG NBI DAHIL SA ROBBERY EXTORTION
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang dalawang indibidwal ng mga ahente ng NBI- National Capital Region (NBI-NCR) sa entrapment operation dahil sa kasong Robbery Extortion sa Sta. Mesa, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena.
Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa NBI-Sarangani Districti Office (NBI-SARDO).
Ayon sa biktima, hinack ni Jingky ang kanyang Facebook account at pinalitan ang kanyang password .
Kasunod nito, nagpadala ng ilang sex videos ng biktima sa pamamagitan ng kanyang FB account sa kanyang mga kaibigan.
Hiningan din siya ng pera para tigilan na ang pagpapadala ng sex videos ng biktima sa ibang tao.
Dahil sa takot ng biktima sa mag-ina, nagpadala ito ng pera sa pamamagitan ng Palawan Express sa Maynila.
Pinayuhan naman ng NBI-SARDO sa General Santos City, ang biktima na maghain ng reklamo sa NBI-NCR kaya sila lumuwas .
Napag-alaman kasi na ang mga suspek ay nakatira sa Maynila.
Kasunod nito nakipag-ugnayan ang NBI-NCR sa tamang ahensya para sa entrapment operation.
Naaresto ang mag-inang habang kini-claim ni Maricar ang pera sa Palawan Express Pureza Branch, Sta. Mesa, Maynila na nagkakahalaga ng P1,500.00 at P500 na ipinadala mula sa Palawan Express Gen. Santos City Branch.
Matapos maaresto si Maricar, itinuro nito ang kinaroroonan ng kanyang anak na si Jingky kung saan naman ito naaresto.
Mahaharap sa kasong Robbery Extortion na may kaugnayan sa RA 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012, at paglabag sa R.A. 9995, o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” ang mag-inang suspek. (GENE ADSUARA)
-
PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results. Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]
-
Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon
NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik. Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika. “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. […]
-
Kuwento ng buhay ni RASH, mala-teleserye
MALA-TELESERYE pala ang kuwento ng tunay na buhay ng male star na si Rash Flores na isang half-Pakistani, half- Pilipino.. Pakistani ang ama ni Rash samantalang ang ina niya raw ay half-Filipino, half-American naman. Hindi na nakilala ni Rash ang kanyang ama at ang ina naman niya ay nahiwalay […]