• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize

NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle.

 

 

Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang

 

 

“cultural appropriation and racial insensitivity.”

 

 

Ayon sa isang concerned netizen: “Dreadlocks are traditionally connected to the culture and identities of Black people, and wearing them is viewed by some as cultural appropriation.”

 

 

Marami ring mga black women ang na-offend sa dreadlocks ni Bieber dahil disrespectful daw ito sa kanilang kultura at kailangan niyang mag-apologize.

 

 

Noon pa man ay laging pinupuna si Bieber for racial insensitivity.

 

 

Back in 2014, inatake si Bieber ng Black community dahil sa pagbigkas nito ng N-word at gawin pa itong racist joke sa isang nag-viral na video.

 

 

***

 

 

BAGAY na bagay ngayong summer ang newest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pinamagatang “Free”!

 

 

Tila mapapasayaw ang mga fans at listeners sa good vibes na dala ng awitin. Ipinamalas din ng Kapuso star ang kanyang rapping skills dito! Balita namin, exciting at bongga ang official music video nito na malapit na ring i-release.

 

 

Hindi talaga maikakaila ang galing ni Julie hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa pag-arte bilang si Heart sa pinakabagong GMA primetime series na Heartful Cafe. 

 

 

Samantala, napapanood din as a mainstay performer si Julie sa weekend variety show na All-Out Sundays.

 

 

***

 

 

SI The Clash Season 2 1st Runner Up Thea Astley ang boses sa likod ng dalawa sa official soundtracks ng top-rating GMA primetime series na First Yaya ang  “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo.”

 

 

Ayon sa kaniya, thankful at overwhelmed daw siya sa tiwalang ibinigay ng GMA sa kaniyang talento, “Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed.

 

 

Hindi ko talaga ini-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it. Both of the songs are really nice and wonderful to listen to.”

 

 

Puwede nang mapakinggan ang “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo” sa GMA Playlist sa YouTube!

 

 

Napapanood din si Thea bilang isa sa mainstay performers ng weekend variety show na All-Out Sundays sa segment na ‘Queendom’ kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at Lani Misalucha.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

    NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.   Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]

  • PDu30, pinakiusapan ang mga NPA na huwag harangin ang mga bakuna laban sa COVID-19

    SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga manggagawa ng pamahalaan na tiyakin na magiging maayos ang delivery ng COVID-19 vaccines sa oras na dumating na ito sa bansa. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na hindi dapat buksan ng Bureau of Customs ang containers na may lamang bakuna. Idinagdag […]

  • DOST, DOH MAKIKIPAGPULONG SA MANUFACTURER NG COVID 19 SA RUSSIA

    MAKIKIPAGPULONG ang mga kjnatawan ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) sa Gamaleya Institute, ang manufacturer ng Russia coronavirus disease (COVID-19) vaccine,para pag usapan ang possibleng pakikilahok ng Pilipinas sa vaccine clinical trials.   Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na ang DOST ,ang magiging […]